^

Metro

Lalaki todas sa ligaw na bala

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Patay matapos magtamo ng tama ng bala sa ulo ang isang 30-anyos na lalaki nang masapul ng stray bullet habang nakabisikleta nang mapadaan sa nagaganap na gang war   sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Dakong alas-8:30 na ng gabi nang ideklarang patay sa Mary Johnston Hospital ang biktimang si Michael Lumagui, binata, ng Tondo, Maynila sanhi ng tama ng bala sa ulo.

Kritikal naman ang kondisyon sa nasabing pagamutan si Robert Valdevieso, 15, high school student ng nabanggit ding lugar. 

Tinutugis naman ng pulisya ang isang ex-convict umano na kilala lamang sa pangalang “Ryan”. Tadtad ng tattoo sa katawan na lider umano ng nakalabang Valdevieso.

Sa ulat ni SPO4 Virgilio Martinez ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-3:15 ng hapon nang maganap ang insidente sa harap ng Tondo  High School, na matatagpuan sa  may panulukan ng Quezon at Masinop sts., Tondo.

Sa naging pahayag ni Aling Leonila, ina ni Valdevieso, umuwi umano ng alas-3:00 ng hapon mula sa paaralan ang biktima at nakita niyang naghubad ng uniporme at nagpalit ng damit kaya agad niyang tinanong kung bakit maaga pa itong umuwi mula sa klase, ’di umano ito sumagot at agad na umalis.

Ilang minuto lamang ang lumipas nang may kapitbahay na nagbalita sa kaniya na nabaril ang anak sa tapat ng nasa­bing eskwelahan.

Naisugod umano ng mga ka-eskwela sa pagamutan si Valdevioso habang pinagtulungang dalhin din sa pagamutan ang nadamay na si Lumagui.

vuukle comment

ALING LEONILA

DAKONG

HIGH SCHOOL

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MARY JOHNSTON HOSPITAL

MAYNILA

MICHAEL LUMAGUI

ROBERT VALDEVIESO

VALDEVIESO

VIRGILIO MARTINEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with