^

Metro

100 bahay naabo dahil sa away ng mag-asawa

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - May 100 kabahayan ang iniulat na naabo matapos na lamunin ng apoy sanhi umano ng mga damit na sinindihan ng isang hindi nakikilalang lalake habang nasa kainitan ng pag-aaway sa kanyang misis sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Ayon kay Senior Fire Officer 2 Fortunato Alde, Central Fire Protection, tinata­yang 200 pamilya ang na­walan ng tirahan sa nasa­bing sunog na nagsimula sa tahanan ng isang Anicia Cinaon, na matatagpuan sa 104 Seminary Road, Brgy. Bahay Toro sa lungsod.

Sinabi ni Alde, base sa pahayag ng mga residente, nagsimula ang apoy nang buhusan umano ng gaas ng asawa ni Cinaon ang kani­lang damit na ikinalat sa ka­nilang bahay saka sinindi­han habang nag-aaway ganap na alas-10 ng gabi.

Gayunman, dagdag ni Alde, sinisiyasat pa nila ang katotohanan sa nasabing alegasyon, kaya naman hinihintay nila ang paglutang ni Cinaon sa kanilang tang­gapan makaraang mawala ang mga ito sa eksena matapos ang sunog.

Sinasabing sa pagsiklab ng damit ay mabilis na ku­malat ang apoy hanggang sa lamunin ang kanilang kabahayan at madamay na rin ang mga kalapit-bahay nito na pawang mga gawa sa light materials.

Dahil sa makipot ang kalye ay nahirapan ang mga rumispondeng bumbero kaya tumagal ng halos da­lawang oras.

Umabot sa Task Force Bravo ang alarma ng sunog, bago tulu­yang ideklarang fire out ganap na alas-12:15 ng ma­daling-araw.

Wala namang iniulat na nasawi o nasaktan sa nasa­bing insidente. Habang ina­alam pa ang halaga ng na­pinsala dito.

ANICIA CINAON

AYON

BAHAY TORO

CENTRAL FIRE PROTECTION

CINAON

FORTUNATO ALDE

SEMINARY ROAD

SENIOR FIRE OFFICER

SHY

TASK FORCE BRAVO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with