^

Metro

Interconnectivity project ng LTO suportado ng transport groups

-

MANILA, Philippines - Tahasang sinabi ng iba’t ibang transport leaders sa bansa mula sa hanay ng mga pampasaherong dyip na todo ang kanilang suporta sa inter­connectivity project ng Land Transportation Office (LTO) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang tuluyan ng ma­wakasan ang pamama­yagpag ng mga out of line vehicles at kolorum sa lansangan.

 Ayon kay Obet Martin, pre­si­dente ng PASANG MASDA, ikinagagalak ng kanilang grupo ang magandang idudulot ng LTO-LTFRB interconnectivity project dahil mapapabilis din nito ang sistema ng pagre­rehistro ng kanilang mga pam­pasaherong sasakyan at maka­kaiwas na ang mga PUV operators na mabiktima ng pe­keng prangkisa at ng maha­bang pila.

Halos ganito rin ang naging pahayag ni Efren De Luna, pre­sidente ng Alliance of Concerned Transport Organization ( ACTO) na kapag naipatupad na ang naturang intercon­nec­tivity project, gaganda na ang kita ng mga tsuper na maiuuwi sa kanilang mga pamilya dahil nawalis na ang mga kolorum at out of line vehicles na karani­wang umaagaw sa pasahero ng mga lehitimong tsuper.

Naniniwala naman si 1 Uni­ted Transport Koalisyon (1 UTAK) representative Atty. Vigor Mendoza na ito na ang tamang panahon upang mag­sanib ang dalawang ahensiya sa pama­magitan ng intercon­nectivity project, aniya bukod sa magiging maayos na ang tran­saksiyon sa dalawang nabang­git na ahen­siya ay walang dag­dag na singilin na ipapatupad sa mga PUV operators sa halip ang anu­mang dagdag singilin ay ba­balikatin ng Passenger Accident Management Inc. (PAMI).

Sa pamamagitan ng LTO-LTFRB Interconnectivity project, gagamit ng isang web based system na tinawag na Franchise Confirmation Uploading Facility (FCUF) bukod sa magi­ging madali at mabilis ang pro­seso, ang FCUF ay isang maka­bagong sistema sa pagku­kumpirma sa mga prangkisa sa LTFRB bago pa man ito irehistro sa LTO.

ALLIANCE OF CONCERNED TRANSPORT ORGANIZATION

EFREN DE LUNA

FRANCHISE CONFIRMATION UPLOADING FACILITY

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

LAND TRANSPORTATION OFFICE

OBET MARTIN

PASSENGER ACCIDENT MANAGEMENT INC

SHY

TRANSPORT KOALISYON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with