^

Metro

Nagsampay sa kable ng kuryente, natusta

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Patay ang isang 22-anyos na obrero maka­raang makuryente nang isampay nito ang kan­yang bagong labang damit sa kable ng kuryente, kamakalawa ng hapon sa Pasig City.            

Nakilala ang nasawi na si John Henry Cotoner, stay-in sa Oasis Construction Site sa Marcos Highway, Brgy. Santolan, ng naturang lungsod at naninirahan sa Bagong Silang, Caloocan City.

Isinugod naman sa Sta. Maria Hospital sa Marikina City ang dalawang kasamahan nito sa trabaho na sina Errol Serona, 21 at Robert Cortez, 22, makaraang madamay sa pagkakuryente nang tangkaing iligtas si Cotoner.             

Sa imbestigasyon ng Pasig police, naganap ang insidente dakong alas-5:30 ng hapon sa cons­truction site. 

Nabatid na naligo ang biktima at nilabhan ang suot nitong damit na isinampay sa nakalaylay na kawad ng kuryente.             

Lingid naman sa kaalaman ni Cotoner, may bahagi ng kawad ang talop kaya mabilis na dumaloy ang kuryente na mas lalo pang lumakas dahil sa basa ang damit at ang katawan ng biktima sanhi upang magkikisay ito.              

Tinangka namang saklolohan nina Serona at Cortez ang kasamahan ngunit maging sila ay nakuryente rin nang mapalapit sa basang bahagi ng pinaglalabahan ni Cotoner.

BAGONG SILANG

CALOOCAN CITY

COTONER

ERROL SERONA

JOHN HENRY COTONER

MARCOS HIGHWAY

MARIA HOSPITAL

MARIKINA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with