^

Metro

Totoy pinakulong ng magulang

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - “Ibinigay namin ang lahat ng layaw niya, minahal namin siya dahil panganay siya, pero pati kami ay tinalo niya”.

Ito ang hinagpis ng mag-asa­wang negosyante na humi­ling na huwag banggitin ang kanilang pangalan makaraang nakawan ng kanilang panganay na anak na itinago sa pangalan si Jason, 14, ng mahigit sa P.6 milyon na kinita sa negos­yong junkshop sa Quezon City.

Bukod kay Jason, kasama rin nito ang tatlo pang binatilyo na alyas Ramon, 16, Toto, 16, at Mario, 17 sa kanilang pag­na­na­kaw na agad namang nadakip ng follow-up unit ng Quezon City Police Station 7.

Ayon kay SPO2 Arsenio Caraveo, nadakip nila ang mga suspect sa may Farmers Plaza sa Cubao ganap na alas-10 ng umaga habang sinisimulang lustayin ang salaping kanilang ninakaw.

Bago ang insidente, pinasok ng mga kabataan ang junkshop ng magulang ni Jason na matatagpuan sa Ermin Garcia St., Brgy. E. Rodriguez ganap na alas-4 ng madaling-araw.

Sinabi ng caretaker ng junkshop, dahil anak ng may-ari si Jason, agad nilang pina­hin­tulutan itong pumasok sa loob ng opisina ng ama, kung saan sinimulang sirain ang pinagla­lagyan ng pera at nakawin ang naturang salapi at saka nagsialis.

Ang pagnanakaw ay agad na ipinagbigay alam ng caretaker sa mga magulang ni Jason dahilan upang magtungo ang mga ito sa himpilan ng PS7.

Sinabi pa ni Caraveo, pinag­hati-hatian na ng mga binatilyo ang pera nang marekober nila ang mga ito na aabot na lamang sa P460,000 at apat na bagong mga cellphone na ginastos sa ninakaw nilang salapi.

Ayon naman sa magulang ng mga binatilyo, mas gusto na nilang makulong ang mga ito para matuto ng leksyon at matuto sa buhay nang hindi na maging salot pa sa lipunan.

Kasong theft ang kinaka­ha­rap ngayon ng mga bina­ tilyo kung saan isasailalim ang mga ito sa pangangalaga ng De­partment­ of Social Welfare and Development (DSWD).

ARSENIO CARAVEO

AYON

ERMIN GARCIA ST.

FARMERS PLAZA

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE STATION

SHY

SINABI

SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with