^

Metro

Taga-Quezon City hinimok ni Joy B. labanan ang dengue

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Hinimok ni Quezon City Vice Mayor Joy Belmonte ang mga taga-lungsod na ugaliing maglinis ng paligid upang ma­iwasang lumobo ang bilang ng kaso ng dengue sa lungsod. 

Ang hakbang ay ginawa ni Belmonte nang mapaulat na uma­abot na sa 500 residente ng QC ang nagkakasakit ng dengue at 4 na dito ang iniulat na namatay mula buwan ng Enero hanggang Hunyo ng taong ito. 

“Ang pagiging malinis natin sa ating mga paligid ay isang batayan na maaari nating ma­iwasan ang anumang uri ng sakit laluna ang sakit na dengue na galing sa lamok araw” pahayag ni Belmonte. 

Kaugnay nito, inatasan ni Belmonte ang kanyang mga tauhan na makipag-ugnayan sa city health department at ba­rangay officials para matulu­ngan ang mga itong higit na ma­palakas ang kampanya laban sa sakit na dengue. 

Kaakibat sa programa ng QC government ang pagpapa­lakas ng information campaign sa mga taga-lungsod hinggil sa kung paano maiiwasan ang sakit na dengue at hindi ito umusbong sa kanilang lugar.

BELMONTE

ENERO

HINIMOK

HUNYO

KAAKIBAT

KAUGNAY

MAYOR JOY BELMONTE

QUEZON CITY VICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with