^

Metro

Mataas na singil sa SLEX, tuloy na bukas

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Tuluy-tuloy na ang 250 por­syentong pagtataas sa singil sa toll sa South Luzon Express­way (SLEX) bukas (Hulyo 7) hang­­gang hindi nakakatang­ gap ng kautusan para ipagpa­liban ito.             

Sinabi ni Toll Regulatory Board (TRB) spokesman Julius Corpuz na wala pa silang nata­tanggap na kautusan para ipag­paliban ito buhat sa ba­gong upong administrasyong Aquino. 

Wala na umanong atrasan ito dahil sa una na nilang ipi­nagpaliban ang dati nilang iskedyul na Hunyo 30.             

Ito’y sa kabila ng dalawang petisyon na isinampa nina Albay Governor Joey Salceda at ng abogadong si Ernesto Fran­cisco Jr. sa Korte Suprema upang pigilan ang TRB at Manila Toll Expressway Sys­tems, Inc. (MATES) na magpa­tupad ng naturang pagtataas hanggang walang nagaganap na “public hearing”. 

Nabatid na kapag natuloy ang 250-percent increase ay papalo na sa P77 mula sa P22 ang sisingilin sa mga light vehicles tulad ng kotse, P155 naman sa mga buses na nga­yon ay nasa P43 at P232 mula sa P65 sa mga heavy trucks. Nanawagan naman ang 1-Utak Transport group kay Pa­ngulong Noynoy Aquino na agad na aksyunan na ang isyu sa toll fee hike bago ito tulu­yang maipa­tupad. Sinabi ng grupo na wala namang “con­gressional fran­chise” ang Southern Luzon Tollway Cor­poration para ma­bigyan ng awtorisasyon na maningil ng toll fee at bumabase lamang ito sa prangkisa ng Philippine Na­tional Construction Corporation (PNCC) na nag-expire na umano noong taong 2007 pa. Samantala, nagpa­tu­pad naman ng rollback sa presyo ng petrolyo ang mga mala­laking kompanya ng langis sa bansa. 

Dakong alas-12:01 ng ma­daling-araw nang ibaba ng Filipinas Shell at Chevron Philip­pines ng P.75 sentimos kada litro ang presyo ng diesel at P.50 sentimos naman kada litro ng gasolina. Dakong alas-6 naman ng umaga nang su­munod sa mga ito ang Petron Corporation.

ALBAY GOVERNOR JOEY SALCEDA

CHEVRON PHILIP

CONSTRUCTION CORPORATION

DAKONG

ERNESTO FRAN

FILIPINAS SHELL

JULIUS CORPUZ

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with