^

Metro

2 driver patay sa pamamaril

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Dalawang tricycle driver ang iniulat na nasawi sa mag­kahiwalay na insidente ng pa­mamaril sa lungsod Quezon.

Sa ulat ng Criminal Investigation and Detective Unit ng Quezon City Police, nakilala ang mga biktima na sina Martin Mamauag, 36, ng Purok 3, Garcia Heights, Luzon Ave., Bgy. Holy Spirit at Romeo Be­leña­, 44, ng 270 Purok 1, Bgy. Culiat ng na­ banggit na lungsod.

Ayon kay PO3 Jaime Jimena, ang mga biktima ay pawang tinambangan ng hindi nakikilalang salarin habang sakay ng kani-kanilang mga minamanehong tricyle sa magkahiwalay na lugar.

Unang nangyari ang pa­mamaril kay Mamauag sa may Luzon Ave., Garcia Heights, Brgy. Holy Spirit ganap na alas 10:30 kamakalawa ng gabi.

Sakay si Mamauag ng kanyang pinapasadang tricycle sa Old Balara TODA nang pagbabarilin ito ng hindi pa nakikilalang suspect.

Nagawa pang maitakbo sa Quirino Memorial Medical Center si Mamauag ngunit idi­neklara din itong patay bunga ng mga tama ng bala ng baril sa katawan.

Dakong alas-12:30 ng madaling-araw naman nang barilin si Beleña sa may Luzon Ave., Bgy. Pasong Tamo habang sakay din ng tricycle na Luzon TODA.

vuukle comment

BGY

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTIVE UNIT

GARCIA HEIGHTS

HOLY SPIRIT

JAIME JIMENA

LUZON AVE

MAMAUAG

MARTIN MAMAUAG

OLD BALARA

PASONG TAMO

PUROK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with