Mister nagbigti
MANILA, Philippines - Isang mister ang nagpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili kamakalawa ng gabi sa Quezon City.
Dead-on-arrival sa Fairview General Hospital ang biktimang si Teodoro de Guzman, 41, tricycle driver ng no.160 IBP Road, Bgy. Commonwealth ng naturang lungsod.
Ayon kay SPO1 Francis Escobido, ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detective Unit (QCPD-CIDU), dakong alas-11:30 kamakalawa ng gabi nang matagpuan ang bangkay ng biktima ng kanyang anak na si Patrick.
Agad na humingi ng tulong sa kanyang ina at kapitbahay si Patrick upang maibaba mula sa kisame ang amang nagbigti gamit ang sinturon.
Hanggang sa ngayon ay inaalam pa ng pulisya kung ano ang naging dahilan ng biktima upang magpatiwakal.
Sinisiyasat din ng pulisya kung may foul play sa insidente.
- Latest
- Trending