^

Metro

Doktor inaresto habang pasakay ng eroplano

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Isang doktor na may standing warrant of arrest ang hinuli ng mga tauhan ng Philippine National Police Aviation Security Group (PNP-ASG) dahil sa uma­no’y kasong pagna­nakaw habang papasakay ng ero­plano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 patungong Davao City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni AVSEGROUP P/Supt. Ranier Valones, ang suspect na si Dr. Nestor Arce na inaresto habang papa­sakay ng Phi­lippine Airlines flight ay may standing warrant of arrest na ipinalabas ni Municipal Trial Court Judge Silverio Mandalupe ng MTC 11, Judicial Region Branch 3 sa Davao noong July 2, 2010 sa umano’y pagnanakaw sa isang pribadong gusali.

Ayon kay Valones, ini­reklamo si Arce ni Jerry Murao, sinasabing business partner dahil kinuha umano ng doktor ang 16 aircondition, 66 na silya mula sa nursing review center na hindi alam ng huli.

Ayon sa impormasyon may P1.3 milyon pang pera ang hindi umano isinoli ni Arce kay Murao.

Naglagak ng P12,000 piyansa ang abogado ni Arce para sa pansa­man­talang kalayaan nito.

AYON

DAVAO

DAVAO CITY

DR. NESTOR ARCE

JERRY MURAO

JUDICIAL REGION BRANCH

MUNICIPAL TRIAL COURT JUDGE SILVERIO MANDALUPE

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

PHILIPPINE NATIONAL POLICE AVIATION SECURITY GROUP

RANIER VALONES

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with