^

Metro

P5-M ari-arian tupok sa sunog

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Tinatayang umaabot sa P5 milyon ang halaga ng natupok sa sunog na su­miklab kung saan tatlong katao din ang nasugatan kahapon ng madaling-araw sa Pasig City.

Sa ulat ng Pasig Fire Department, 50 pamilya ang sinasabinig nawalan ng tirahan sa sunog na na­ganap dakong alas-2:25 ng madaling-araw.

Isinugod naman sa Pasig City General Hospital dahil sa tinamong 2nd degree burn sina Feliza Lavena, 76; anak na si Ismael, 37 at Fermin Bo­landuy, 30, pawang mga nakatira sa no. 239-Con­cepcion St. Bgy. Santolan, ng naturang lungsod kung saan nagsimula ang sunog.

Sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, lumilitaw na sumiklab ang sunog sa unang palapag ng bahay ng mga Lavena at mabilis na kumalat hanggang sa madamay ang mga kata­bing bahay na pawang yari sa mga light materials.

Nahirapan namang ma­kalabas ng bahay ang tatlong biktima na noo’y natutulog nang sumiklab ang apoy.

Umabot sa ikatlong alarma ang sunog kung saan naapula lamang ito dakong alas-3:29 na ng mga madaling-araw.

FELIZA LAVENA

FERMIN BO

ISINUGOD

ISMAEL

LAVENA

PASIG CITY

PASIG CITY GENERAL HOSPITAL

PASIG FIRE DEPARTMENT

ST. BGY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with