^

Metro

Obrero todas sa hit and run

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Isang 27-anyos na cons­truction worker ang nasawi matapos itong masagasaan ng isang rumaragasang pam­pasa­he­rong bus sa ka­habaan ng EDSA Avenue sa Ma­kati City kahapon ng ma­daling-araw.

Binawian ng buhay ha­bang ginagamot sa Ospital ng Makati ang biktimang si Mico Gino Baul, ng #988 G.G. Cruz, Baclaran, Para­ñaque City.

Sa imbestigasyon ni PO3 Marvin Mendoza, ng Makati City Traffic Enforcement Unit, naganap ang insidente sa loading-unloading bay area dakong alas-3 ng madaling- araw sa South-bound, panu­lukan ng EDSA Avenue at Man­trade, ng nabanggit na siyudad.

Nakatayo at nag-aabang ng masasakyang bus ang biktima nang bigla itong saga­saan ng bus na humaharurot. Hindi naman nakuha ang pa­ngalan at plaka ng bus.

Tumilapon ng ilang metro ang biktima subalit hindi naman ito hinintuan ng driver. Nagsasagawa na ng follow-up operation ang mga awtoridad upang matukoy ang bus at pagka­kakilanlan ng driver na tumakas.

BACLARAN

BINAWIAN

CRUZ

ISANG

MAKATI

MAKATI CITY TRAFFIC ENFORCEMENT UNIT

MARVIN MENDOZA

MICO GINO BAUL

NAGSASAGAWA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with