^

Metro

Sa pagbubukas mg Konseho: Ipapasang ordinansa dadami - Manila Councilor

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Nagpahayag ng tiwala si Manila 3rd District Councilor Bernardito Ang na ma­raming maipapasang ordinansa sa 8th city council kung saan makikinabang ang mas nakara­raming Manilenyo.

Ayon kay Ang, sisikapin niya at ng kanyang mga kasamahang konsehal na maipasa ang mga ihahaing ordinansa sa konseho na maka­tutulong sa kabuhayan ng mga taga-Maynila.

Sinabi ni Ang na magiging maayos ang konseho ngayon dahil ang iniluklok ng mga residente ng Maynila ay may puso at utak.

Aniya, ang kanyang pagbabalik sa konseho ay indikasyon lamang na hindi pa siya nalili­mutan ng kanyang mga ka-distrito at malaki ang tiwala ng mga ito sa kanya. Dahil dito, sinabi ni Ang na hindi naman niya bibiguin ang kanyang mga nasasa­kupan at maging residente ng ibang distrito.

Kasabay nito, sinabi ni 3rd District Coun­cilor Re Fugoso na kailangan na muling maihain ang mga ordinansa upang agad na mapag-aralan sa konseho.

Aniya, batay sa regulasyon, kailangan na munang ire-file ang anumang ordi­nansa kahit pa nasa 3rd reading.

Samantala, ipinahayag din ni Fugoso na malaki ang kanyang tiwala sa tandem nina Mayor Alfredo Lim at Vice Mayor Isko Moreno na matutupad   ang mga proyekto sa Maynila.

Prayoridad nina Lim at Moreno ang edu­kasyon at kalusugan sa Maynila kung kaya’t dapat lamang suportahan ng konseho.

ANIYA

DISTRICT COUN

DISTRICT COUNCILOR BERNARDITO ANG

MAYNILA

MAYOR ALFREDO LIM

RE FUGOSO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with