^

Metro

Oplan wang-wang rumatsada na

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Umaabot sa 10 mga wang wang ang nakum­piska ng mga elemento ng Land Transportation Office (LTO) sa pagrat­sada ng Oplan wang-wang sa serye ng ope­ras­yon sa Metro Manila laban sa mga motoris­tang hindi otorisadong gumamit ng naturang gad­get ng sasakyan.

Ang hakbang ay gi­nawa matapos buuin ni LTO Chief Alberto Suan­sing ang Oplan wang wang bilang pagtalima na­­man nito sa pahayag ni Pangulong Noynoy Aquino sa kanyang inau­gural speech na walang wang-wang, counterflow at kotong sa ilalim ng kanyang pamumuno sa gobyerno.

Binigyang diin ni Suan­sing na maging ang mga opisyal ng gobyer­ no ay hindi rin maaaring gumamit ng wang-wang tulad ng mga senador, kongre­sista, local chief executives.

Batay  anya sa Presidential Decree 96, hindi exempted sa batas ang mga nabanggit maging ang bise presidente ng bansa.

Maaaring ma­kulong ng hanggang sa anim na taon ang sinu­mang lala­bag sa naturang batas at makakansela ang rehis­tro ng ginamit na sasak­yan.

BATAY

BINIGYANG

CHIEF ALBERTO SUAN

LAND TRANSPORTATION OFFICE

METRO MANILA

OPLAN

PANGULONG NOYNOY AQUINO

PRESIDENTIAL DECREE

SHY

WANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with