^

Metro

Dentista nag-suicide o nahulog?

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Sadyang nagpakamatay o “suicide” ngayon ang pinatutunguhan ng imbestigasyon ng Mandaluyong City Police sa pagkalaglag at pag­kasawi ng isang dentista buhat sa ika-5 palapag ng isang shopping mall, kamakalawa sa naturang lungsod.

Sinabi ni PO3 Erickson Butid, may hawak ng kaso, na base sa pahayag ng isang kaanak ng biktimang si Dra. Mary Ann Magtoto, 34, ng Brgy. Kalawaan, Pasig City, may malaking problema umano sa pananalapi ang biktima ma­tapos na mag-invest umano sa isang ne­gosyo ngunit bumagsak.

Nabatid na nasa ibayong dagat ang mister ni Magtoto habang nagpa-praktis naman ng kanyang pagiging dentist ang biktima kaya nakakaluwag naman sa buhay ang pamilya nito.

Nakausap pa naman ni Magtoto sa cellphone ang ina nito bago ang insidente ngunit wala naman itong ibinigay na palatandaan na may gagawing kakaiba o magpapaalam na.

Napag-alaman ng PSN buhat sa isang em­pleyado ng Shangrila Plaza Mall na tu­mangging magpabanggit ng pangalan, na hindi nakunan ng “closed circuit television (CCTV) camera” ang aktong pagkalaglag ni Magtoto kaya hindi pa rin maresolba kung sadya itong nagpatiwakal. Isang misa naman ang isina­gawa ng pamunuan ng Shangrila Mall sa “atrium” kung saan bumagsak ang biktima para sa ikapapayapa ng kaluluwa nito.

vuukle comment

BRGY

DRA

ERICKSON BUTID

ISANG

MAGTOTO

MANDALUYONG CITY POLICE

MARY ANN MAGTOTO

PASIG CITY

SHANGRILA MALL

SHANGRILA PLAZA MALL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with