^

Metro

Dentista hulog sa mall, dedo

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Nasawi ang isang dentista makaraang mahulog mula sa ika-6 na palapag ng isang mall sa Mandaluyong City kahapon. Hindi pa mabatid ni Sr. Supt. Carlos de Sagun, hepe ng Mandaluyong City Police, kung may nagtulak o sadyang tumalon si Dra. Mary Ann Magtoto, 34, ng Brgy. Kalawaan, Pasig City.

Sa inisyal na ulat ng pulisya, dakong alas-3:50 ng hapon nang makarinig ng malakas na kalabog ang mga empleyado at kustomer ng mall sa EDSA cor. Shaw Boulevard, sa naturang lungsod kung saan bumagsak ang biktima sa ikalawang palapag nito.

Masuwerte naman na bakante ang lugar na binagsakan ng biktima kaya walang ibang nadamay sa trahedya.

Agad na isinugod ng mga empleyado ng naturang mall ang biktima sa Medical City ngunit hindi na ito naisalba dahil sa tinamong mga sugat sa iba’t ibang parte ng katawan. Sinabi ni De Sagun na blangko pa sila sa tunay na sanhi ng naturang insidente kung saan kumakalap pa sila ng dagdag na detalye kung saan posibleng nakunan ng “closed circuit tele­vision (CCTV) camera” ng mall ang insidente.

vuukle comment

BRGY

DE SAGUN

DRA

MANDALUYONG CITY

MANDALUYONG CITY POLICE

MARY ANN MAGTOTO

MEDICAL CITY

PASIG CITY

SHAW BOULEVARD

SR. SUPT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with