^

Metro

Puno bumagsak, 4 kotse wasak

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Nabulabog ang mga kawani ng Quezon City Hall makara­ang bumuwal ang isang malaking puno ng ipil kung saan apat na sasakyang nakaparada ang nabag­sakan at nasira kahapon ng umaga.

Nawasak ang mga sasakyan na kinabibilangan ng Mitsubishi Black Adventure (ZRY-998), Ford Lynx na kulay gray (CRF-597), Isuzu Crosswind (SGJ-787);at Toyota Corola (WBY 245).

Ayon kay Arnel, carpark boy, kasalukuyan siyang nagma­mantine ng mga sasakyang pumaparada nang bigla na lamang makarinig ng langitngit mula sa puno. Ilang sandali pa, bigla na lamang bumuwal ito ma­tapos na mabunot mula sa pinaka-ugat hanggang sa tumama sa nasabing mga sasakyan. Lumilitaw na kalahati ng puno ay wala nang laman dahil dinale na ito ng bukbok at sanhi na rin para maging marupok.

Samantala, problema naman ngayon ng mga may-ari ng sasakyan kung sino ang mananagot sa pagpapa-ayos ng mga nasira nilang salamin at nayuping bubungan nito.

vuukle comment

ARNEL

AYON

FORD LYNX

ILANG

ISUZU CROSSWIND

LUMILITAW

MITSUBISHI BLACK ADVENTURE

QUEZON CITY HALL

TOYOTA COROLA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with