Kelot utas sa karibal

MANILA, Philippines - Pinatay habang natutulog ang isang construction worker ng lalaking karibal nito sa pag-ibig kahapon ng umaga sa Caloocan City.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Miky Alde, 19, ng San Luis, Antipolo City na nagtamo ng tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan habang pinag­hahanap naman ng pulisya ang suspect na si Jamby Junica.

Sa pagsisiyasat ng Caloocan City Police, naganap ang insidente dakong alas-4:30 ng madaling-araw sa kanilang barracks sa P. Sevilla St., ng nabanggit na siyudad.

Natutulog ang biktima nang pasukin at pagsasaksakin ng suspect at saka mabilis na tumakas matapos ang krimen.

Sinasabing nagkaroon ng alitan ang biktima at suspect dahil sa pagiging magkaribal nito sa kanilang nilili­ga­wang babae.

Show comments