Taas presyo ng krudo salubong kay Pnoy

MANILA, Philippines - Sasalubong kay President elect Benigno Simeon Aquino III ang mas mataas na presyo ng langis sa bansa makaraang muling magtaas ng presyo ang mga kumpanya ng langis dahil umano sa paggalaw nito sa internasyunal na merkado.

Nagpatupad ng P0.50 dagdag sa presyo ng kada litro ng biodiesel at kerosene ang Flying-V simula ng alas-12:01 ng madaling-araw kamakalawa pero nag-rollback naman ito ng P0.25 sa presyo ng regular gasoline.

Simula din kahapon ng alas-6 ng umaga, nagpatupad na ang Chevron Philippines, Petron at Seaoil ng P0.50 dagdag sa kada litro ng diesel at kerosene at P.25 rollback rin sa regular na gasoline.

Dahil dito, inaasahan ang mga sunud-sunod na reklamo mula sa mga transport sector at iba pang cause oriented group.

Show comments