^

Metro

Libreng sakay sa LRT, MRT ngayon

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Ipatutupad ngayon ng Light Rail Transit Authority (LRTA) at Metro Rail Transit Authority (MRTA) ang lib­reng sakay kasabay ng ina­gurasyon ni Pangulong Be­nigno Aquino III.

Mag-uumpisa ang lib­reng sakay ng LRT Line 1 (Baclaran-Balintawak), Line 2 (Recto-Santolan) at MRT 3 (Edsa North-Taft Avenue) mula alas-7 ngayong umaga hanggang alas-4 ng hapon.

Ayon sa MRTA at LRTA, ang pagbubukas sa publiko ng naturang mga “rail system” ay upang mas lalong maraming Filipino ang ma­katungo at makasaksi sa inagurasyon ng ika-15 Pa­ngulo ng bansa sa Luneta Grandstand.

Inaasahang dadagsain ng mga VIP at foreign dignitaries ang inagurasyon ni Pnoy.

Sinabi ng LRTA at MRTA na bihirang pagkakataon lamang na masaksihan ng personal ng publiko ang ina­gurasyong tulad nito kung kaya’t ibinibigay na rin nila ang pagkakataon lalo pa’t idineklarang holiday ngayon.

Umaasa din ang LRTA at MRTA na patuloy ang pag-unlad ng bansa sa ilalim naman ng administrasyong Aquino.

vuukle comment

AQUINO

AYON

BACLARAN-BALINTAWAK

EDSA NORTH-TAFT AVENUE

LIGHT RAIL TRANSIT AUTHORITY

LUNETA GRANDSTAND

METRO RAIL TRANSIT AUTHORITY

PANGULONG BE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with