Malabon dad nanampal sa gay pageant

MANILA, Philippines - Makaraang malimutang banggitin ang kanyang pa­ngalan, isang re-electionist city councilor ng Malabon ang nanampal ng bading sa dinadaos na gay beauty pageant sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Si Councilor Eddie No­lasco, ng Bgy. Potrero ng nabanggit na siyudad ang itinuturo ng biktimang si Bernard Martin, organizer na nanampal sa kanya dakong alas-10:30 ng gabi sa kasagsagan ng patim­palak.

Lasing umano si No­lasco nang dumating sa patimpalak at isa sa mga sponsor. Hindi umano agad na­banggit ni Martin ang pa­ngalan ni Nolasco na ikina­galit ng huli at biglang sinampal ang una bago umalis.

Nakatakda naman mag­sampa ng reklamo si Martin sa pulisya.

Show comments