Interconnectivity tie-up ng LTO, LTFRB suportado ng transport groups
MANILA, Philippines - Nagsama sama ang iba’t ibang transport organisasyon sa bansa upang hikayatin ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Land Transportation Office (LTO) na suportahan at dagliang ipatupad ang interconnectivity project upang tuluyan ng masugpo ang talamak na kolorum at out of line vehicles sa lansangan.
Kabilang sa mga nanawagan ang Pasang Masda, Alliance of Concern Transport Organization (ACTO), Association of Taxi Operators in Metro Manila (ATOMM) at iba pang grupo sa ilalim ng koalisyong United Transport Koalisyon (1UTAK). Anila kapag naipatupad na ang interconnectivity project ay malaki na ang maiuuwing kita ng mga lehitimong tsuper ng pampublikong sasakyan dahil mawawalan na sila ng kakumpetensiyang mga kolorum at out of line na sasakyan Sinabi naman ni ACTO president Efren De Luna na may 365,000 strong members ng kanilang organization, sa pamamagitan umano ng interconnectivity project ay makakasiguro ang riding public na ang kanilang sinasakyang pampublikong sasakyan ay mayroong genuine franchise at covered ng insurance policy.
Sa ilalim ng proyektong interconnectivity project ay magiging online at bibilis ang franchise verification at documents processing sa LTFRB bago pa man irehistro ang isang pampublikong sasakyan sa LTO.
Samantala, suportado din ng DOTC ang interconnectivity tie-up ng LTO at LTFRB. Isa ito umano sa maituturing na major innovations sa larangan ng transportation na sinimulan noong 2005 na ang tanging layunin ay matapos na ang suliranin sa mga colorum at out of line vehicles sa bansa.
- Latest
- Trending