^

Metro

2 timbog sa bigong P.5-M robbery

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Bigo ang tatlong holda­per na mata­ngay mula sa isang messenger ang P.5 milyon matapos na ma­ka­engku­wentro ang isang pulis na nakatalaga sa Paraña­que Police kaha­pon ng umaga sa Bi­non­do, Maynila.

Dalawa sa tatlong suspect ay kinilalang sina Nolito Garaes na gina­gamot sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) at Larion Milan habang nakatakas naman si Noel Jimenez.

Ayon sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:30 ng uma­ga nang maganap ang insi­dente sa Plaza Cer­vantes ilang metro lamang ang layo mula sa Savory res­tau­rant na pinagtatraba­huhan ni Santiago Dangan, 50.

Idedeposito ni Dangan ang P500,000 sa PBCom Bank nang biglang lapitan ng mga suspect at tinutu­kan ng baril. Mabilis na kinuha ng mga suspect ang pera. Subalit nakahingi ng tulong si Dangan sa duma­ra­ang pulis na si PO2 Jomel Caronan, ng Para­ña­que Police Community Precinct 7.       

Pinaputukan ni Caro­nan sa binti ang pa­patakas na si Garaes habang na­da­kip din si Milan.

vuukle comment

DANGAN

JOMEL CARONAN

JOSE REYES MEMORIAL

LARION MILAN

MEDICAL CENTER

NOEL JIMENEZ

NOLITO GARAES

PLAZA CER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with