^

Metro

Binatilyo patay sa sumpak

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Nagkabutas-butas ang katawan ng isang binatilyo makaraang sumpakin ng ilang beses ng isang lalaki habang naglalakad sa Commonwealth Avenue sa Quezon City kahapon ng madaling araw.

Nasawi habang isinusu­god sa Fairview General Hospital ang biktimang si James Tiokico, 16, binata, out of school youth, at residente sa 36 Kapitbahayan, North Bay Boulevard South, Navotas City hang nakilala naman ang suspect sa pangalang Fran­cis ng Kalayaan B, Brgy. Batasan Hills sa lungsod.

Ayon sa ulat ni PO3 Ernesto Fabre Jr., ng Criminal Investigation and Detective Unit ng Quezon City Police­, naganap ang insidente sa panulukan ng Commonwealth Ave. at Kalayaan B, Brgy. Payatas B, ganap na alas 3 ng madaling-araw.

Naglalakad ang biktima kasama ang kanyang girlfriend na si Karilyn Llego nang biglang sumulpot ang suspect na armado ng sumpak at walang sabi-sabing pinapu­tukan ang una, saka mabilis na tumakas.

Tinutugis na ng otoridad ang nasabing suspect.

BATASAN HILLS

BRGY

COMMONWEALTH AVE

COMMONWEALTH AVENUE

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTIVE UNIT

ERNESTO FABRE JR.

FAIRVIEW GENERAL HOSPITAL

JAMES TIOKICO

KALAYAAN B

KARILYN LLEGO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with