^

Metro

City engineer kinalampag... Libong estudyante nangangamba sa pagguho ng paaralan

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Nagpahayag ng pangamba ang mga magulang at mga estudyante ng Yangco Elementary School sa panulukan ng Dan­dan at Franco Sts. sa Pritil, Maynila sa posib­leng disgrasya na idudulot ng patuloy na pag­tagas ng tubig mula sa isang water tank na nakalagay sa taas ng nasabing paaralan at magresulta ng pagguho nito.

Ito ay matapos na walang kaukulang aksi­yon na ginawa ang tanggapan ni Manila City Engineer Armand Andres sa pormal letter na inihain ni Dr. Rosalinda Torres Taunan, punong guro ng naturang paaralan.

Ayon kay Taunan, walang ginagawang aksiyon si Andres sa kabila ng ilang verbal complaint at inspection ng tanggapan ni City Administrator Jesus Marzan. Bukod pa ito sa kanyang formal letter na may petsang Hunyo 15 kay Andres para idulog ang suliranin sa tumatagas na water tank na naka­patong lamang umano sa flooring sa ibabaw ng ikatlong gusali ng paaralan.

Nabatid na ang leak mula sa water tank ay tumatagas sa mga pader na sinasabing dahilan ng faulty electrical wiring at kawa­lang ng electrical power sa 3rd floor at library­ ng paaralan.

Giit pa ni Taunan, sa patuloy na pagtagas ng tubig, maging dahilan din ito ng pag­bag­sak o pagguho ng paaralan sakaling lumin­dol ng malakas tulad na rin ng babala ng National Disaster Coordinating Council at Philvocs na posibleng mangyari sa Metro Manila.

Sinabi ni Taunan na nangangaila­ngan ng agarang aksiyon ang kanilang pa­aralan upang maiwasan ang anumang pag­sisisi.

vuukle comment

ANDRES

CITY ADMINISTRATOR JESUS MARZAN

DR. ROSALINDA TORRES TAUNAN

ELEMENTARY SCHOOL

FRANCO STS

MANILA CITY ENGINEER ARMAND ANDRES

NATIONAL DISASTER COORDINATING COUNCIL

SHY

TAUNAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with