^

Metro

Dengue Task Force, binuo sa Quezon City

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Iniutos ni Quezon City Mayor Feliciano “SB” Bel­monte Jr. ang pagbuo ng city health department ng dengue task force sa mga paaralan at barangay sa lungsod upang maaga pa lamang ay may kaukulang hakbang na ang lokal na pamahalaan para masawata ang posibleng pagsibol ng sakit na dengue ngayong tag-ulan. 

Sinabi ni Belmonte na mahalagang makagawa agad ng kaukulang precautionary measures ang QC sa po­sibleng pagsulpot ng sakit na palagiang lumilitaw tuwing buwan ng Hulyo at Agosto. 

Pinangunahan ni Mayor Belmonte ang panunumpa sa tungkulin ng mga miyembro ng task force sa ginawang paglulunsad ng FOURmula (4-S) Kontra Dengue program sa Barangay Tatalon na may malaking pakikiisa sa environ­mental clean-up drives sa lungsod para maibsan ang pagkalat ng sakit na dengue. 

Ang   FOURmula o 4-S ay may kahulugang search and destroy, self-protection mea­sures, seek early consulta­tions at say no to indiscrimi­nate fogging. 

Sa utos ni SB, ang city health department ay patuloy na magsasagawa ng mala­wakang information dissemi­nation campaign upang higit na mabigyan ng kaalaman ang mga taga- lungsod kung paano maiiwasan ang pagsulpot ng lamok -araw na may dalang sakit na dengue tulad ng pagiging malinis ng paligid at pag aalis ng mga bagay na maaaring pagba­hayan ng lamok-araw tulad ng mga bote, lata, sirang gulong, indoor plants at iba pa. 

Sa unang 6 na buwan ng 2010, ang epidemiology at surveillance unit ng city health department ay nakapagtala na ng 549 dengue cases na may 4 na kaso ng namatay o mas mababa ito kaysa sa nagda­ang taon na may 16 na ang nasawi sa kaparehong period ng 2009. 

AGOSTO

BARANGAY TATALON

BELMONTE

DENGUE

KONTRA DENGUE

MAYOR BELMONTE

MAYOR FELICIANO

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with