^

Metro

Magsasaing na ginang, sinuwag ng tren

- Nina Ludy Bermudo at Lordeth Bonilla -

MANILA, Philippines - Hindi na nagawa pang makapagsaing ng isang ginang makaraang maha­gip ito ng isang tren at ma­matay matapos tumawid   ng riles upang manghiram lamang ng lighter at umigib ng tubig na gagamitin sa pag­sa­saing kahapon ng uma­ga, sa  P. Ocampo at Qui­rino Highway sa Ma­late, Maynila.

Matinding pinsala sa ulo at kaliwang bahagi ng ka­tawan ang tinamo ng bikti­mang si Lourdes Ortiz, re­sidente ng lugar bagamat nakatira lamang sa isang pedicab na ipinaparada sa gilid ng kalye.

Sa ulat ni PO1 Sergio Macaraeg, dakong alas-10 ng umaga  magsasaing umano ang biktima kaya nagbitbit ng isang galon upang mag-igib ng tubig na pansaing at manghiram ng lighter sa kabilang riles nang masagi ito ng Philippine National Railways (PNR) train,

Sinabi ng ilang saksi na ang bahagi ng hagdanan ng tren ang sumagi sa kaliwang bahagi ng ka­tawan ng biktima kaya tu­mi­lapon ito ng ilang metro.

Agad namang binuhat ng kanyang mister na si Eusebio, isang barangay tanod, ang biktima at isi­nugod sa Ospital ng May­nila subalit hindi na umabot ng buhay.

Naulila ng ginang ang dalawang anak na isang-taong gulang at isang 4-anyos.

vuukle comment

EUSEBIO

ISANG

LOURDES ORTIZ

MATINDING

MAYNILA

NAULILA

OCAMPO

PHILIPPINE NATIONAL RAILWAYS

SERGIO MACARAEG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with