Basaan sa San Juan naging mapayapa

MANILA, Philippines - Hindi tulad ng mga nakara­ang taon na marami ang nag­ka­­kapikunan, naging mapa­yapa kahapon ang basaan sa pagdiriwang ng “Wattah-Wattah Festi­val” sa San Juan City na bahagi ng se­lebras­yon ng pista ng Po­ong si San Juan Bautista.

Sakay ng isang trak ng bum­bero, pi­nangunahan mismo ni out­going Mayor JV Ejercito ang pamba­basa sa mga residente at mga moto­rista na du­ma­raan sa mga kal­sada ng lung­sod.

Kapansin-pansin naman na maluwag ang kalsada sa dating masikip na daloy ng trapiko sa lungsod dahil sa pag-iwas ng mga motorista na dumaan sa lung­sod habang ang ilang moto­rista at mga sakay ng mga pampasahe­rong jeep na nabuhusan ng tubig ay hindi naman na­pikon. 

Mistulang malaking “army” ang mga residente ng lungsod nang punuin ng bata at ma­tanda na armado ng mga “water gun, hose at tabo” ang gilid ng mga kalsada upang mambasa habang nagsasa­yaw bilang pagsalamin sa pag­bibinyag ni San Juan gamit ang tubig.

Nagpakalat naman ang pulisya ng higit sa 200 pulis sa mga kalsada upang ma­iwa­san ang anumang insi­dente ng karahasan na ma­aaring su­miklab dahil sa po­sibleng piku­nan na ma­su­werte namang walang naitala.

Show comments