^

Metro

12-anyos kinakadena ng amain, nasagip

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Matinding kalbaryo ang dinanas ng isang 12-anyos na totoy matapos itong mistulang gawing aso at kadena­han ang leeg ng kanyang stepfather na isang dating sundalo kamakalawa sa Caloocan City. Nadakip at nahaharap sa kasong child abuse ang suspect na si Julie Biasora, 34, dating sundalo na ngayon ay panadero ng Kadiwa St., May­pajo ng lungsod na ito. Ang biktima ay itinago sa panga­lang Arnold, nakatira sa nabanggit na lugar ay sinasabing noong nakalipas pang Abril dumaranas nang pagma­mal­trato sa amain.Sa nasabing buwan sinimulan na itong ika­dena ng suspect tuwing aalis ang suspect sa bahay. Ang naturang kalagayan ng biktima ay natuklasan lamang ka­hapon. Nabatid na isang kapitbahay ang nakakita sa gina­gawa ng suspek sa biktima, na naging dahilan upang isum­bong ito sa barangay. Dakong alas-4:00 ng hapon, pinun­tuhan ng mga tanod ang nasabing bahay at doon nga ina­butan ang biktima na nakakadena sa leeg. Agad na kinalag ang kadena at dinakip ang suspek kung saan ginawang dahilan ni Biasora na kaya lamang niya ito gina­gawa sa bata ay para hindi ito gumala.

vuukle comment

ABRIL

BIASORA

CALOOCAN CITY

DAKONG

JULIE BIASORA

KADIWA ST.

MATINDING

NABATID

NADAKIP

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with