Parak gulpi-sarado sa driver at kagawad

MANILA, Philippines - Isang pulis-trapik ang ginulpi ng isang jeepney driver at isang barangay kagawad kamakalawa ng gabi sa panulukan ng Tayuman St. at Rizal Avenue, sa Sta. Cruz, Maynila.

Kalaboso at nahaharap sa kasong frustrated murder ang mga suspect na sina Joseph Pamintuan, 43, driver at residente ng Tayuman,Tondo at Nelson Sevilla Jr.,30, barangay kagawad ng Bgy.156 zone 14 at resi­dente ng Dagupan Extension,Tondo, Maynila .

Sa reklamo ng biktimang si PO1 Donato Tabinas, nakatalaga sa Manila Traffic Bureau, sinaksak, sinuntok at tinutukan siya ng baril ng dalawang suspect nang dahil lamang sa paninita niya sa driver na pumarada sa zero parking zone.

Inisyuhan umano ni Tabinas ng citation ticket ang driver na si Pamintuan subalit nakita niyang 4 na ang CT nito kaya winarningan na lamang.

Hindi umano nagtagal nang rumesbak si Pamintuan na may mga kasamang riding in tandem sakay ng motor­siklo at pinaikutan umano si Tabinas, hinawakan siya sa mag­kabilang braso at sinuntok pa siya ni Pamintuan sa mukha.

Bukod dito, sinaksak din ng suspect   sa braso ang pulis habang si Sevilla naman ay nakatutok ng kalibre .45 baril sa biktima.

Nagkataong dumaraan sa lugar si PO1 Raymond Nuque, 26, nakatalaga sa Eastern Police District-District Public Safety Batallion sakay ng motorsiklo at nakita ang komosyon kaya sumaklolo sa kabaro.

Show comments