^

Metro

Malaysian timbog sa P100-mil­yong shabu

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Isang Malaysian national ang nahulihan ng 10 kilo ng methamphe­tamine hydrochloride o mas kilala sa tawag na shabu na nagkakaha­laga ng may 100 mil­yong piso matapos itong du­ma­ting sakay ng ero­plano ng Philippine Airlines (PAL) flight PR-733 galing Bangkok, Thailand, kahapon ng umaga.

Kinilala ni MIAA ge­neral manager Atty. Melvin A. Matibag, ang suspek na si Hou Eng Pheow.

Ayon kay Matibag, pinagdudahan ng Customs ang hindi mapaka­ling suspek kaya sinun­dan nila ang bawat kilos nito habang nasa arrival area ng paliparan.

“Parang may hina­hanap siyang tao dahil panay ang tingin nito sa may pintuan malapit ng Customs arrival area”, ani Matibag.

Ayon sa ulat, sinita ng Customs examiner ang suspek para ipakita na nito ang kanyang ba­ gahe pero mabilis itong kumaripas ng takbo pa­labas ng Customs arrival area pero agad naman siyang nahuli ng mga Customs police.

Sinabi ni Matibag, na nang buksan ang kan­yang bagahe ay tumam­bad sa kanila ang may 10 pakete ng shabu na nakatago sa ilalim ng maleta nitong dala.

Si Pheow, ay panga­lawa sa Malaysian national na nadakma sa loob ng airport na may dalang shabu.

AYON

HOU ENG PHEOW

ISANG MALAYSIAN

KINILALA

MATIBAG

MELVIN A

PHILIPPINE AIRLINES

SHY

SI PHEOW

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with