^

Metro

MMDA naalarma sa mabilis na pagbaha sa Metro Manila

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Naalarma ngayon ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa kawalang-kooperasyon ng mga lokal na pamahalaan ukol sa usapin sa mga iligal na squatters maka­raang makaranas na naman ng mga pagbabaha sa ilang lung­sod sa pabugsu-bugso pa lamang na pag-ulan ngayong linggo. Inulan ng reklamo sa pamamagitan ng text message si Chairman Oscar Inocentes sa naganap na pagbaha sa ilang lugar ng Parañaque sa may Sucat Road at tapat ng Trinoma-North Rail Station sa Quezon City. Nang inspeksyunin ng mga tauhan ng Flood Control Management Service (FCMS) sa pangunguna ni Engr. Baltazar Melgar, nabatid na ang barung-barong ng may 150 pamilyang squatters na nakatirik sa gilid ng Ibayo Creek ang sanhi ng baha sa Sucat Road habang matinding pagbabara naman sa mga daluyan ng tubig buhat sa mga basura na iniwan ng isang construction worker sa tabi ng Trinoma ang sanhi ng pagbabaha sa Quezon City. Dahil dito, umapela si Inocentes sa mga lokal na pama­halaan ng mga lungsod at munisipalidad sa Metro Manila na makipagtulungan at solusyunan ang problema sa mga “illegal squatters” na humaharang sa mga natural na daluyan ng tubig upang hindi na maulit ang mala-Ondoy na pagbabaha.

BALTAZAR MELGAR

CHAIRMAN OSCAR INOCENTES

FLOOD CONTROL MANAGEMENT SERVICE

IBAYO CREEK

METRO MANILA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

QUEZON CITY

SUCAT ROAD

TRINOMA-NORTH RAIL STATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with