^

Metro

Retiradong sundalo nagbaril sa harap ng anak

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Sa harap pa mismo ng anak na babae wina­kasan ng isang retiradong sundalo ang kan­yang sariling buhay nang magbaril sa ulo, kamakalawa ng hapon sa Muntinlupa City.

Nalagutan ng hininga habang pilit na isina­salba ng mga manggagamot sa loob ng Ospital ng Muntinlupa ang biktimang nakilalang si Isidro Tagum, 70, residente ng Rizal St., Brgy. Poblacion, ng naturang lungsod.

Sa ulat ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-5:20 ng hapon sa loob ng silid ng biktima. Ayon sa anak ng nasawi na si Ma. Nina Tagum, 27, nanonood siya ng telebisyon nang marinig niya na may nagkasa ng baril sa loob ng kuwarto ng ama.

Agad naman niya itong tinungo kung saan naabutan pa niya ang ama na nakasakay sa kanyang “wheelchair” at nakatutok sa sentido ang baril.  Hindi na niya umano ito naawat nang agad na kalabitin ng biktima ang gatilyo.

Mabilis na humingi ng tulong sa kapitbahay si Ma. Nina at agad na naisugod sa pagamutan ang biktima kung saan nalagutan ito ng hininga habang isinasailalim sa operasyon.

Tumanggi namang magbigay ng pahayag sa pulisya ang dalaga kung ano ang posibleng dahilan ng pagpapakamatay ng ama bagama’t may hinala ang mga imbestigador na posibleng hindi na matagalan ng matanda ang pagka­karoon ng karamdaman.

vuukle comment

AYON

BRGY

ISIDRO TAGUM

MABILIS

MUNTINLUPA

MUNTINLUPA CITY

NALAGUTAN

NINA

NINA TAGUM

RIZAL ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with