^

Metro

Snatcher/killer ng seaman, timbog

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Aksidente lamang ang pag­­kakaaresto sa isa sa da­lawang suspect na humablot sa gintong kwintas at naka­patay sa isang seaman noong Hunyo 17 ng umaga, sa Singa­long, Malate, Maynila, ayon sa ulat kahapon.

Hawak na ng Manila Police Distric-Homicide Section ang suspect na si Ronald Sevilla, 26, ng Unit 112 Building 4 Safari Bldg. Paco, Maynila, na kinilala ng testigo at tumugma rin sa footage ng closed circuit television ang hitsura.

Nabatid na unang inaresto ng mga tauhan ng MPD-Station 6 ang suspect dahil sa tawag na kaguluhan sa kan­yang nasasakupan.

Nakunan ang suspect ng balisong at nang beripikahin ay may mga record itong snatch­ing at serye ng robbery kaya’t hiniling ni MPD-Homicide chief, C/Insp. Erwin Margarejo na isama sa line-up ang sus­pect kung saan positibong kinilala ng testigo. Ibinase rin ang hitsura, kasuotan nito na katulad ng nasa CCTV at siyang nai-record ng video na bumaril sa biktimang si Edralin Amon, 49, 3rd Engineer, tubong-Davao at pansaman­talang nanunuluyan sa # 2128 Singalong st., Malate, Maynila.

“Kung mapapansin ninyo, yung suot niyang shorts nga­yon (suspect) nang mahuli siya ay iyon ding shorts na suot niya noong barilin niya ’yung biktima pati na yung panga­ngatawan niya,” paliwanag ni Margarejo.

AKSIDENTE

DAVAO

EDRALIN AMON

ERWIN MARGAREJO

HAWAK

MANILA POLICE DISTRIC-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

RONALD SEVILLA

SAFARI BLDG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with