Obrero patay sa bigti

MANILA, Philippines - Bangkay na nang madis­kubre ang isang obrero habang nakabitin sa kisame ng kanyang tinutuluyang kuwarto matapos na magpa­ka­matay sa hindi mabatid na kadahilanan sa lungsod Quezon.

Si Ruben Quintana Jr., 35, ng Mangahan Extension, Brgy. Bagumbayan ay naka­luhod pa habang nakabigti ang leeg nang madiskubre ng kan­yang land­lord na si Urbano Cruz.

Ayon kay PO3 Jaime Ji­mena ng Criminal Investiga­tion and Detective Unit ng Que­zon City Police, wala namang nakikitang dahilan ang mga kasamahan maging ang land­lord ng nasawi na da­hilan sa pagpapakamatay nito.

Plastic straw na ipinalupot sa kanyang leeg saka itinali sa kisame ang ginamit nito sa pag­bibigti.

Ganap na alas 12:15 ng ha­tinggabi nang subukang tignan ni Cruz sa kanyang kuwarto ang biktima subalit tumambad sa kanyang hara­pan ang kalunus-lunos na ka­lagayan nito.

Inaalam pa ng awtoridad ang tunay na motibo ng na­sa­bing insidente.

Show comments