Toll fee increase sa SLEX iniurong
MANILA, Philippines - Hindi Hunyo 30 kundi sa Hulyo 7 na maipatutupad ang toll fee increase sa South Luzon Expressway ng South Luzon Tollway Corp. (SLTC) na aabutin ng 250 percent. Ayon kay Alma Tuazon, tagapagsalita ng SLTC, ang nasabing hakbang ay bilang respeto at suporta kay President-elect Benigno Simeon Aquino III na manunumpa bilang ika-15 pangulo ng bansa sa June 30 kung saan ang petsa rin na ito ang orihinal na target ng naturang toll fee increase.
Kaugnay nito, sa July 10 naman ipatutupad ng operator ng Southern Tagalog Arterial Road (STAR) Tollway sa Batangas, ng Star Infrastructure Development Corp. (SIDC) ang 10 porsiyento sa toll hike sa halip na June 30 rin.
- Latest
- Trending