^

Metro

P10-milyong tangay sa pawnshop: Acetelyne gang sumalakay

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa 10 milyong   cash at mga alahas ang natangay sa isang pawn­shop matapos na pasukin ng kilabot na acetelyne gang kahapon ng umaga sa lungsod Quezon.

Ayon kay PO2 Loreto Tigno ng Criminal Investiga­tion and Detective Unit ng Quezon City Police (CIDU-QCPD), ang niloobang pawn­shop ay ang Agencia de Empeños na pag-aari ng isang Lydia D. Zuniga at ma­tatagpuan sa Tandang Sora Avenue, Brgy. Old Balara sa lungsod.

Winasak ng mga nasabing grupo ang isang cabinet na pinaglalagyan ng dalawang vault na may lamang cash at mga alahas.

Sinabi ni Tigno, pasado alas-8 ng umaga nang ma­tuklasan ni Aida Pingol, em­ple­yada sa nabanggit na pawnshop ang panloloob.

Dito ay nakita ni Pingol na nagkalat ang mga gamit at sira-sira ang mga cabinet na pinaglalagyan ng mga alahas maging ang naturang vault, dahilan upang agad niya itong ipinaalam sa may-ari nito.

Lumilitaw sa pagsisiyasat na nagawang makapasok ng mga suspect sa establisi­mento sa pamamagitan ng pag­daan sa kisame ng kubeta.

Nauna rito, inupahan ng mga suspect ang kuwartong nakadikit sa nasabing gusali na siyang ginamit na daanan patungo sa nasabing comfort room.

Nang makapasok ay saka sinimulang wasakin ang pintuan ng CR saka pinutol   ng  bolt cutter ang kandado ng kabinet bago tuluyang binuk­san ng acetylene ang mga kaha de yero.

Sinabi ng kaanak  ng may-ari, ito ang pangalawang pag­ka­kataon na pinasok   ang kanilang pawnshop tatlong taon na ang nakakalipas sa pamamagitan ng paggiba sa dingding ng nasabing kubeta, ngunit nabigong makatangay ng pera at alahas

Posible anyang nagpa­lamig lamang ito at bumalik makalipas ang mahabang panahon.

AIDA PINGOL

CRIMINAL INVESTIGA

DETECTIVE UNIT

LORETO TIGNO

LYDIA D

OLD BALARA

QUEZON CITY POLICE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with