^

Metro

GF, inatado ng nobyo

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Tadtad ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang isang babae nang matag­puan sa loob ng isang apar­telle ilang oras matapos na mag-check-in ka­sama ang isang lalaki na hi­nihinalang nobyo nito kahapon ng umaga sa Cubao, Quezon City.

Sa pamamagitan ng identification card na­kilala ni PO2 Merardo Pulanco ang biktima sa pangalang Rosemarie Haboc.

Ayon sa imbes­ti­gasyon, nadiskubre ng roomboy na si Joseph Herrera ang bangkay ng bikitima matapos na iwan ng kasama nitong nakilala sa alyas na “Allan” sa kanyang ku­warto sa Guess apar­telle na matatagpuan sa 6 Westpoint Brgy. E Rodriguez, Cubao .

Sinabi ni Pulanco, bago ang insidente nag-check-in umano ang biktima at si “Allan” sa nasabing apartelle at makalipas ang halos dalawang oras sa loob ay lumabas ang huli at nagpa-alam na aalis na.

Giit pa ni Pulanco, sinabi ni “Allan” sa ka­hera na susunod na ang biktima subalit maka­lipas ang ilang minuto ay hindi pa rin lumabas ang huli na naging da­hilan upang punta­han ang kuwarto.

Gamit ang duplicate key, binuksan ng kahera ang kuwarto at tumam­bad sa kanila ang kata­wan ng biktima na naka­balot sa kumot na may bakas ng dugo.

Ayon pa kay Pu­lanco, sinabi ng kata­bing kuwarto ng biktima na may narinig silang nag-aaway mula dito bago nangyari ang insi­dente, pero dahil pri­bado ito ay hindi sila na­kialam.

AYON

CUBAO

E RODRIGUEZ

JOSEPH HERRERA

MERARDO PULANCO

PULANCO

QUEZON CITY

ROSEMARIE HABOC

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with