^

Metro

Saleslady nagbigti

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Dahil umano sa problema sa pag-ibig, isang saleslady ang nagpasyang magpakamatay sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili kahapon ng umaga sa Quezon City.

Si Janice Mangilog, 23, ng no.109 Matutum St., Brgy. Manresa, Q.C. ay natagpuang nakabigti ng electrical wire ng kanyang kasera na si Lucy Monte, ganap na alas 8:30 ng umaga.

Sinabi ni Monte, nangangamoy na ang katawan ng biktima nang kanilang matagpuan at posibleng ilang oras na itong patay.

Ayon kay SPO2 Jonathan Sustine ng Criminal Investigation and Detective Unit ng Quezon City Police, huling nakitang buhay ang biktima noong Sabado ng alas 9 ng umaga habang nasa loob ng kanyang kuwarto at may kausap sa cellphone na pinaniniwalaang boyfriend nito.

Sinabi naman ni Monte, nalaman niyang nag-leave umano ang biktima sa kanyang trabaho ng dalawang araw kaya Biyernes at Sabado ay hindi na ito pumapasok.

Dahil hindi na nila nakikitang lumalabas ay nagpasya ang kahera na tignan ang kalagayan ng biktima at laking gulat nila nang makitang naka­bitin ito sa kisame.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nasabing insidente upang malaman kung may foul play sa pagkamatay ng biktima.

vuukle comment

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTIVE UNIT

DAHIL

JONATHAN SUSTINE

LUCY MONTE

MATUTUM ST.

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE

SABADO

SI JANICE MANGILOG

SINABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with