^

Metro

Ka-level ng marijuana: Publiko pinag-iingat ng PDEA vs 'SD' plant

- Doris Franche-Borja -

MANILA, Philippines - Pinag-iingat ng Phi­lippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang publiko sa isang herbal plant na galing Mexico at posible uma­nong maging ka level ng “marijuana” kapag na­singhot o naipahid sa gilagid ng isang tao.

Sa pulong Balitaan sa Tinapayan sa Da­pitan, sinabi ni Usec. Rommel Garcia, Vice Chairman & Permanent Board member ng PDEA, na nadiskubre nila ang “salvia dino­rum” (SD) sa isang lugar sa Teachers Village sa Quezon City at kilala din ito sa Mexico bilang “divine sage” .

Ayon kay Garcia, ang dahon ng SD, ay nakaka-pag hallucinate, kung masising­hot at nginuya ng hang­gang 30 minuto at may ta­mang “laughing trip”.

Mas matagal din ang tama nito kung ipi­nahid sa gilagid kum­para sa sinisinghot na parang sigarilyo. Aniya, tingin ng gagamit nito sa isang tao ay parang cartoons kung kaya’t tawa ito ng tawa.

Tulad ng marijuana, pinatutuyo muna ang dahon bago gamitin.

Madali lang din umano itong itanim, sa pamamagitan ng pag­putol ng tangkay na nagkaka-ugat sa loob ng dalawa hanggang tat­long linggo. Hindi tulad ng marijuana na itinatanim sa pama­magitan ng buto.

Bagama’t hindi pa bawal ang SD sa Pili­pinas, may isinasa­gawa nang pag-aaral ang PDEA sa na­bang­git na halaman, para malaman kung dapat itong ipag­bawal sa mga susunod na pana­hon sa pa­ngamba na pag­mulan ito ng “addiction” ng mga kaba­taan.

Nabatid na ang SD plant ay ginagamit no­ong unang panahon bilang gamot sa anemia, sakit sa ulo, anti-depressant at pag­tatae, hanggang sa na­dis­ku­bre na maaari pala itong lumikha ng hallucination at vision kapag nasing­hot at nanguya.

Gayunman, tulad ng marijuana posible umanong 30 ulit na mas mabilis na mada­puan ng sakit na “cancer” ang sinumang ma­lululong sa SD, kum­para sa mga taong hindi sumubok na gu­mamit nito.

Gayundin, maaring pagmulan ng pagka­sira ng regla sa mga kaba­baihan ang pag­gamit ng SD.

vuukle comment

ANIYA

AYON

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

PERMANENT BOARD

QUEZON CITY

ROMMEL GARCIA

SHY

TEACHERS VILLAGE

VICE CHAIRMAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with