^

Metro

Lola dumalaw sa piitan, kalaboso rin

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Hindi na nakalabas pa ng Manila Police District-General Assignment Section ang isang 70-anyos na lola nang ituro ito ng complainant na kasabwat sa ‘pangongotong’ sa kanya sa isang money changer, kamakalawa ng gabi sa Ermita, Maynila.

Nasa loob na ng piitan si Adoracion Pascual, alyas “Ongkee”, cashier sa Rhynna Money Changer at residente ng A. Mabini St., Ermita, Maynila makaraang dumalaw lamang upang magdala ng pagkain sa naunang dinakip na si Janine Santos, 39, teller ng nasabing money changer.

Ayon kay PO2 Reginald delos Reyes, nagkataon na naroon sa kanilang tang­gapan  ang complainant na si Maricel Ulanday, 32, ng Mu­nicipal Compound, Norzaga­ray, Bulacan nang dumating si Pascual dakong alas-7:30 ng gabi kaya di nakapagpigil at itinuro niya ang lola na kasabwat umano ni Ulanday at isa pang di nakilalang babae.

Ipinagharap na rin ng kasong qualified theft si Pascual sa Manila Prose­cutor’s Office.

Una nang nakulong si Santos nang ireklamo sa ‘ko­tong’ na umabot sa P166,000 mula sa ipinalit ni Ulanday na US dollars noong Hunyo 16.

ADORACION PASCUAL

AYON

ERMITA

JANINE SANTOS

MABINI ST.

MANILA POLICE DISTRICT-GENERAL ASSIGNMENT SECTION

MANILA PROSE

MARICEL ULANDAY

MAYNILA

RHYNNA MONEY CHANGER

ULANDAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with