^

Metro

Estudyante patay sa 'Akyat-bahay'

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines - Namatay sa saksak ang isang estudyante ha­bang nasa kritikal na kondisyon na­man ang naka­babatang kapatid nito matapos pu­malag ang una mula sa isang lalaki na pinani­niwala­ang miyembro ng “akyat bahay gang” na nan­­loob sa kanilang bahay kahapon sa Caloocan City.

Binawian ng buhay ha­bang ginagamot sa Que­zon City General Hospital sanhi ng mga saksak sa katawan ang biktimang si Jonalyn Yumul, 19, naka­tira sa Bernabe Compound, Llano, ng lungsod na ito.

Inoobserbahan naman sa nasabing ospital ang kapatid nitong si Jovelyn, 17, sanhi rin ng mga saksak sa katawan.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon ng Calo­ocan City Police na na­ga­nap ang insidente dakong ala-1 ng madaling-araw sa loob ng bahay ng magka­patid.

Nabatid na nagising si Jonalyn dahil sa kalus­kos na narinig nito at doon ay nakita nga niya ang suspect na naghahalungkat sa loob ng kanilang bahay.

Dito na nagsisigaw ang bik­tima para maka­hingi ng tulong dahilan naman upang pagsa­saksakin siya ng suspect. Na­gising naman si Jovelyn dahil sa komosyon kaya maging siya ay pinagbalingan ng saksak ng suspect.

Na­rinig ng ilang kapit­bahay ang paghingi ng sak­lolo ng magkapatid at nang kanilang pun­tahan, tumambad ang duguang katawan ng mga ito.

Mabilis na isinugod sa nabanggit na paga­­mutan ang magkapatid, ngunit hindi na na­isalba ang buhay ni Jonalyn. 

vuukle comment

BERNABE COMPOUND

BINAWIAN

CALO

CALOOCAN CITY

CITY GENERAL HOSPITAL

CITY POLICE

JONALYN

JONALYN YUMUL

JOVELYN

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with