MANILA, Philippines - Sa pagpasok ng administrasyon ni President-elect Noynoy Aquino, sinuportahan naman ng organisasyon ng mga truckers at taxi sa buong bansa si Congressman Vigor Mendoza bilang hepe ng Land Transportation Office (LTO) .
Ayon sa Confederation of Truckers Association of the Philip-pines (CTAP) ang kanilang pag-eendorso kay Mendoza bilang hepe ng LTO ay dahil sa kanyang track record na pagba-bago sa sector ng land transport.
Sinabi ni Ret. Col. Rudy de Ocampo, Chairman ng CTAP , isa sa pinakamalaking trucking organizations sa bansa, malaki ang paniniwala niya na mauunawaan at alam ni Mendoza ang mga nararapat na solusyon para matugunan ang mga suliranin sa land transport industry.
Kasabay nito, inendorso din ng Association of Metro Manila Taxi Operators (ATOMM) ang appointment ni Mendoza bilang LTO chief.
Sa naging pahayag ni ATOMM President Leonora Naval, naka-trabaho na nila si Mendoza sa mga usapin na kinakaharap ng mga taxi operators sa buong bansa at alam nito ang panga-ngailangan ng mga ordinaryong driver at transport worker.
Si Mendoza ay Chairman ng United Transport Koalisyon or 1-Utak, pinakamalaking public transport organization sa bansa at naihalal bilang kinatawan ng Party List group sa 14th Congress.
Isinusulong nito ang reporma sa transport sector at naka-paghain na ng ilang reform bills sa Kongreso kabilang ang Unified Ticketing System, Opening of Retail Trade of the Oil Market at Creation of a Traffic Courts System.