^

Metro

Drug syndicate sa Cavite nabuwag ng PDEA

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Nagwakas ang pamamayagpag ng kilabot na Allan Ramirez drug group sa lalawigan ng Cavite matapos na masakote ang mga ito ng tropa ng Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isina­gawang operasyon sa naturang lalawigan, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ni PDEA Director General/Senior Undersecretary Dionisio R. Santiago, ang mga suspect na sina Allan Ramirez, lider ng grupo; Ariel Cuyzon, alyas Buboy; Manalo Botones, alyas Loloy; at Rosauro Botones; pawang mga residente sa Brgy. Talaba 5, Bacoor Cavite.

Ayon kay Santiago, nalambat ang mga suspect base sa ipinalabas na search warrant ni Judge Amor Reyes, executive Judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 21 sa Manila laban sa mga suspects. Ganap na alas- 9 ng umaga nang simulan ng PDEA agents mula sa Regional Office 4A, Metro Manila Regional Office Intelligence and Investigation Service and Special Enforcement Service ang pagsalakay sa lungga ng grupo kung saan nadakip ang mga ito.

Nakuha kay Ramirez ang dalawang plastic sachet ng shabu, habang kay Cuyzon na nasa drug watch list ng PDEA ay isang plastic sachet ng shabu at isang brick ng pinatuyong marijuana. Kina Manalo at Rosauro naman ay tatlong piraso ng plastic sachets ng shabu. Sinabi ng PDEA, tumitimbang ng 69.9 gramo ng shabu at 371. 4 gramo ng marijuana ang nakuha sa mga suspects sa naturang operasyon.

ALLAN RAMIREZ

ARIEL CUYZON

BACOOR CAVITE

DIRECTOR GENERAL

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

JUDGE AMOR REYES

KINA MANALO

MANALO BOTONES

METRO MANILA REGIONAL OFFICE INTELLIGENCE AND INVESTIGATION SERVICE AND SPECIAL ENFORCEMENT SERVICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with