^

Metro

Taxi driver tinodas ng adik

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Patay agad ang isang taxi driver makaraang burdahan ng taga ang kanyang buong katawan ng isa sa dalawang bangag na lalaki sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Si Vicente Taroy, 49, driver ng JJPNB taxi at residente sa Purok 26, Peñafrancia Lupang, Antipolo City,  ay agad na nasawi matapos na pagtata­gain ng gulok ng isang alyas Rudy na di-umano’y notorious na drug addict sa lugar.

Kasama ni Rudy ang isang alyas Michael na pawang mga kilala sa lugar na nangongo­tong ng mga barker para pambili nila ng alak at droga.

Ayon sa ulat, nangyari ang insidente sa may harap ng 7-11 convenience store na matatagpuan sa may ka­ha­baan ng EDSA, corner Quezon Avenue, Brgy. South Triangle sa lungsod ganap na alas-3:10 ng madaling-araw.

Sinabi ng tinderang si Aling Thelma, nakatayo umano ang biktima sa nasabing lugar habang naghihintay ng kan­yang pasahero nang duma­ting ang mga suspect. Nagpunta umano ang mga suspect sa lugar para mag­hanap ng barker na mahihi­ngan ng pambili nila ng alak ma­tapos na maubusan ang mga ito ng iniinom malapit sa naturang lugar.

Bago ito ay nagkaroon muna ng komprontasyon ang biktima at mga suspect. Dahil batid ng biktima na pawang mga lango sa droga ang mga sus­pect ay nagpasya itong humingi ng pasensya sa kanila. Umalis naman ang suspect na si Rudy at ilang sandali ay bumalik ito bitbit ang isang gulok at walang habas na pinagtataga sa katawan ang biktima.

Matapos ang pananaga ay mabilis na tumakas ang mga sus­pect sakay ng isang bisik­leta patungong Panay Avenue.

Patuloy naman ang pag­tugis ng mga awtoridad sa mga suspect.

vuukle comment

ALING THELMA

ANTIPOLO CITY

AYON

PANAY AVENUE

QUEZON AVENUE

RUDY

SHY

SI VICENTE TAROY

SOUTH TRIANGLE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with