^

Metro

Koreano, biktima ng Ativan gang, P.5 milyon tangay

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad ang dala­wang babae na pi­ nani­niwalaang miyembro ng Ativan Gang na nan­limas ng mga kagamitan at pera ng isang Koreano na uma­abot sa halos P500,000 na isinama ng huli sa kanyang tinutu­luyang condominium sa lungsod Quezon.

Dumulog sa tanggapan ng Quezon City Police Dis­trict-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU) ang biktimang si Kwon Joong Hwon ng Unit 22, N. Orchard I, Eastwood City, Brgy. Bagumbayan, Quezon City.

Ayon sa biktima, umuwi siya sa kanyang condo ka­sama ang dalawang babae na hindi niya kilala noong Linggo ng gabi hanggang sa makatulog at magising Lunes ng umaga.

Dito ay napansin niyang wala na ang dalawang babae maging ang kan­yang mga personal na ka­gamitan at pera na kinabi­bilangan ng isang Sony camera na nagkakahalaga ng P65,000; Sony DVD P6,000; Nokia EG3 cell phone P23,000; Iphone P40,000; Black Berry P38,000 at cash na P253,000 na may kabu­uang P425,000.

Sinabi naman ng pu­lisya na posibleng may pinainom na pampatulog ang dalawang bebot sa biktima kung kaya agad itong nakatulog.

Nagbabala naman ang awtoridad sa mga dayuhan na huwag maging kam­pante sa pagdadala ng mga babae na bagong ka­kilala lamang nila sa ka­nilang tinutuluyan dahil ilan sa mga ganito ay estra­tehiya na manloko ng dayuhan.

ATIVAN GANG

BLACK BERRY

CRIMINAL INVESTIGATION

DETECTION UNIT

EASTWOOD CITY

KWON JOONG HWON

ORCHARD I

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with