^

Metro

50% discount sa real property tax sa Marikina, inangalan

-

MANILA, Philippines - Sinadya at paghihiganti.

Ito ang nakikita na motibo ng mga bagong halal na opisyal ng Marikina City sa mga nakaupong konsehal matapos nilang ipasa ang resolution na nagbibigay ng 50 percent na discount sa real property taxes para mapilay ang administration ni Mayor elect Del de Guzman.

Ayon kay Vice Mayor elect Fabian Cadiz, dahil sa dami ng mga kontro­bersyal na resolution na ipinasa ng mga konsehal na natalo noong May elections at kaalyado ni Mayor Marides Fernando, maaa­ring malugi ng P300 million ang kaban ng siyudad sa darating na mga taon.

Kasama sa mga pinasang resolution ay ang pagbigay ng 50 porsiyentong discount real pro­perty taxes hanggang 2013, ang tax holiday sa limang pinapaborang kompanya at ang 50 porsiyento ring discount sa garbage fees ng malalaking establisimento.

“It is plain and simple politics designed to protect their own interests while crippling the incoming officials with less revenue for much needed social services,” paliwanag ni Cadiz.

Nagulat sina De Guzman at Cadiz kung bakit hanggang 2013 ang pagbigay ng 50 percent discount sa buwis ng real property samantalang pwede namang sila na ang gumawa ng mga bagong resolution para matulungan ang mga nasalanta ng bagyong Ondoy noon isang taon.

Dagdag pa ni Cadiz, dapat lang tanggapin ni Fernado at ng kanyang mga alipores ang kanilang pagkatalo sa eleksyon dahil ang tao ang naghusga at huwag naman agad gumanti para lang pahirapan ang liderato ni De Guzman.

vuukle comment

AYON

CADIZ

DAGDAG

DE GUZMAN

FABIAN CADIZ

FERNADO

MARIKINA CITY

MAYOR MARIDES FERNANDO

VICE MAYOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with