^

Metro

Ice pick ibinaon sa mata ng vendor

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang matinding galit ang dahilan ng isang boarder kaya nito ibinaon ang ice pick sa mata ng isang fruit vendor na nasawi bago pa man maisugod sa pagamutan sa Port Area, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang nasawing biktima na si  John Melo Villareal ng  Block 1 Gasangan, Baseco Compound, Port Area, dahil sa tinamong saksak sa katawan at sa mata.

Bukod sa sinasabing boarder ng biktima na si Lito Rapa, dalawa pang suspect na kasamahan nito ang pinaghahanap ng pulisya. Ayon sa ulat, dakong alas-6:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa harapan ng bahay ng nasawi.

Nag-iinuman umano ang biktima at ilang kabarkada nito sa loob ng kanyang bahay nang sa di-kalayuan ay nakikipag-inuman din ang boarder/suspect na si Rapa sa dalawa niyang kaibigan.

Sa hindi mabatid na dahilan ay sumugod si Rapa sa bahay ng biktima at naghamon ng away kaya nilabas ito ni Villareal na agad namang sinalubong ng mga saksak sa katawan ng dalawang kasamahan ng una, habang si Rapa naman ay bumunot pa ng ice pick at tinusok sa mata ang biktima bago nagsitakas. Naiwang nakabaon pa ang ice pick sa mata ng biktima nang isinugod ito sa pagamutan ng mga kaibigan pero hindi na naisalba ang buhay.

vuukle comment

AYON

BASECO COMPOUND

BIKTIMA

BUKOD

GASANGAN

JOHN MELO VILLAREAL

LITO RAPA

MAYNILA

PORT AREA

RAPA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with