^

Metro

344 dayuhan nag-avail ng BI job visa

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Umaabot na sa 344 na dayuhang investors mula sa 39 bansa ang nakakuha ng special visa for employment generation (SVEG) ng Bureau of Immigration (BI).

Sa ulat ng BI-SVEG one-stop-shop center kay Immigration Commissioner Marcelino Libanan, lumalabas na 141 Korean investors ang nangunguna sa listahan ng visa applicants simula ng ipatupad ang nasabing programa simula noong Abril ng nakaraang taon.

Naniniwala naman si BI legal officer Cris Villalobos, pinuno ng one-stop-shop na ang job visa program ay aani ng suporta mula sa susunod na administrasyon ni President elect Benigno Aquino III.

Base sa ilalim ng alituntunin, ang SVEG ay iniisyu sa mga foreign businessman o expatriate na mayroong investments o employed sa isang business enterprise na mayrong mahigit sa 10 o mahigit pang regular o fulltime Filipino workers.

May karapatan ang visa holder na manatili sa bansa hanggang kailan nito nais hanggang mayroong itong negosyo o investment sa Pilipinas.

Nabatid na simula noong Mayo umaabot na sa 530 dayuhan ang nabigyan ng SVEG kabilang dito ang 344 priincipal applicants at 185 na kanilang mga dependents kung saan nagbayad ang mga ito ng umaabot sa P6.7 million immigration fees.

vuukle comment

ABRIL

BENIGNO AQUINO

BUREAU OF IMMIGRATION

CRIS VILLALOBOS

IMMIGRATION COMMISSIONER MARCELINO LIBANAN

NABATID

NANINIWALA

PILIPINAS

SVEG

UMAABOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with