Residente ng MM, pinagtatanim ng puno konta sa baha

MANILA, Philippines - Pinaigting pa ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang kanilang panawagan sa mga taga-Metro Manila na magtanim ng puno upang hindi na maulit ang nakapanlulumong trahedya na dulot ng bagyong Ondoy noong nakaraang taon.

Ayon kay MMDA general manager Ro­bert Nacianceno, nag-umpisa na rin silang magtanim ng mas ma­raming puno at mga halaman sa mga center island at iba pang pam­publikong lugar na ina­asahan nila na makaka­tulong sa pagsipsip sa tubig-baha na inaasa­han ng pamahalaan na muling magaganap.

Bukod dito, nakiusap rin ang MMDA sa mga residente ng kamay­nilaan na pairalin ang di­siplina sa pamamagitan ng hindi pagtatapon ng kalat kung saan-saan at maayos na paglalabas ng kanilang basura na pinipik-ap ng mga trak ng basura.

Aniya, pag-iibayuhin pa nila ang kanilang anti-lit­ tering campaign at makikipagkoordi­nas­yon sa mga LGUs dahil 70 porsyento lamang ang kanilang pagiging epektibo sa pagpapa­takbo ng mga pumping­ station.

Handa na rin umano ang MMDA sa pagres­ponde sa iba pang tra­hedya tulad ng mga “landslides, mudslides”, lindol at sunog. Naka­tak­dang du­­mating na ang mga binili nilang 24 na “fiberglass” na bangka, apat na rescue boats, at 100 rubber boats.

Show comments